What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
Ito po ang very last episode ng sailor moon : Haaay those were the days, I remember nasabay ito sa opening ng aking Graduation Exhibit sa Megamall :P Nung napanood ko to months after the first airing I was so happy and sad: Happy kasi happy ending and sad kasi it would be the last! Pls watch it one by one in order :P
Aminin man natin o hindi lalo na sa mga nasa range ng edad ko, tayong lahat ay nagumon sa Sailormoon (at Dragonball). Mapababae o lalaki man ay nanuod o nanunuod nito dati. Oo nung bata ka pa nung wala pang chat-chat sa internet at hindi pa uso ang cellular phone. Isa ito sa mga unang anime series na sumikat sa Pilipinas na walang mga robots involve. If you also did one of these i'm sure you were a fan:
1.) Collected card or teks (maliliit na cards) at dinodrwing ang mga ito
2.) Tutok sa tv habang ginagaya ang mga powers ng sailor scouts na alam na alam ang mga pangalan dahil sa ibinase ito sa mga planeta
3.) Bunny ang pagkakakilala natin sa katauhan ni Usagi Tsukino (Sailormoon)
4.) Isa ka sa tumawag noong nawala sa ere ang Sailormoon at nagrequest na ibalik ito. Dahil sa member ka ng Sailormoon Fan Club.
6.) Maaalala mong sumisigaw ka dati ng Moon prism power Make-up! (with Feelings)
7.) Inisip mo kung papaano inaayos ni Bunny(Usagi) ang buhok nya kasi kahit anong gawin mo hindi mo magaya.
8.) Natuwa ka sa mga hairstyles nila at hindi napansing kakaiba pala ang kulay ng buhok nila (Sailor Neptune-green, Sailor Mercury-Blue...)
9.) Kinakanta mo ang tagalog version ng opening ng Sailor moon that goes a little something like this...
10.) eto extreme case (naghanap ka ng pusa at tinawag itong Luna o artemis -- at nilagyan ng hugis moon ang noo nito (grabe)
11.) Naglalaro kayo ng mala sailormoon na fighting scenes sa school pag recess (Moon tiara action!!!) (Ciempre lalaban ka kasi ikaw si sailor jupiter - Supreme lightning and thunder). I still remember naadik ako sa Playstation game at arcade nito hahaaay...
12.) Either nangarap ka na ikaw si Tuxedo mask or iniisip mo na kelan kaya dadating ang tuxedo mask ng buhay mo hahahah...
13.) Nakikipagaway ka sa magulang mo na wag munang manood ng Magandang Gabi Bayan o Mel and Jay... hehehe (para mapanood ito)
14.) Mayroon ka ciempreng favorite na Sailor warrior na kadalasan ay suot ang favorite color mo (Sailor Venus -Orange, Sailor Mercury Blue, Sailor Mars -Red ...). BTW ang paborito kong Sailor warrior ay si Sailor Neptune : Michiru Kaioh (Si Sailor Neptune at Sailor Uranus ang isa sa mga unang cartoon na nagpakita ng same sex churfer sa ating telebisyon - pero nung time na yun denial ka pa rin at sinasabing magkaibigan lang sila)
15.) Binabasa mo parin ang post ko na ito hanggang ngaun hehehe... at iclick mo itong link na ito para maalala mo ang mga bagay na nakalimutan mo na ukol sa Cartoon Series na ito:: Sailor Moon(美少女戦士セーラームーン,Bishōjo Senshi Sērā Mūn
Para sa mga naenlighten sa post na ito o sa napangiti heto at naglagay narin ako ng link para pwede nyong idownload ang OST heheh nandito
At kung binasa mo ito at may favorite kang Sailor scout pakilagay naman sa comment sa baba kung sino at bakit... yey! Arigato!