ian's posts with tag: paalam

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
Blog EntryMagmula, giliw, nang ika'y pumanawAug 9, '07 9:39 PM
for everyone

Isa ito sa pinakapaborito kong tula na nabasa ko noong ako ay nasa kolehiyo pa lamang. Binasa sa amin ito ng aking propesor na si Gng. Amoroso na tila naramdaman niya ang naramdaman ng kumatha...  (Iniisip ko parin nga kung kamag-anak ko ba si Aling Oriang well... anyway...)


Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw


Magmula, giliw, nang ikaw ay pumanaw,

katawan at puso ko’y walang paglagyan;

lakad ng dugo sa ugat ay madalang,

lalo’t magunita ang iyong palayaw.

 

Lubhang malabis ang aking

            pagdaramdam

sa biglang paggayak mo’t ako’y

            panawan,

alaala ako sa iyong pagdaraanan,

at gayundin naman sa iyong katawan.

 

Na baka sakaling ikaw ay kapusin,

lumipas sa iyo oras ng pagkain;

sakit na mabigat baka ka sumpungin

Na lagi mo na lamang sa aki’y daing.

 

Saan patutungo yaring kalagayan,

dalamhating lubos liit ng katawan,

magsaya’t kumain hindi mapalagay,

maupo’t  tumindig, alaala’y ikaw.

 

Kalakip ang wikang “Magtiis, katawan,

di pa nalulubos sa iyo ang layaw,

bagong lalaganap ang kaginhawahan

ay biglang nag-isip na ikaw ay iwan.”

 

At kung gumabi na, banig ay hihiga,

matang nag-aantok pipikit na bigla,

sa pagkahimbing panaginip ka, sinta,

sabay ang balong ng di mapigil na luha.

 

Sa pagka-umaga, marahang titindig,

tutop ang kamay yaring pusong masakit,

tuloy na dungawan, kasabay and silip,

sa paroroonan mong hirap ay mahigpit.

 

Matapos sumilip, pagdaka’y lalabas,

sa dulang kakanan agad haharap;

ang iyong luklukan kung aking

            mamalas,

dibdib ko’y puputok, paghinga’y

            banayad.

 

Sama ng loob ko’y sa aking mag-isa,

di maipahayag sa mga kasama;

puso ko ay lubos na pinagdurusa,

tamis na bilin mo’y “Magtiis ka, sinta.”

 

Sa akin ay mahigpit mong tagubilin,

saya'y hanapin at ang puso’y aliwin;

naganap sumandali’y biglang titigil,

alaala ka kung ano ang narrating.

 

Mukha’y itutungo, luha’y papatak,

katawan pipihit, lakad ay banayad;

pagpasok  sa silid, marahang igagayak

damit na gagamitin sa aking paglakad.

 

Lilimutin mo yaring kahabag-habag,

puhunang buhay tatawirin ang dagat;

pag-alis ay sakit, paroroonan ay hirap,

masayang palad mo sa huli ang sikat.

 

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Ako’y lalakad, usok ang katulad;

pagtaas ng puri, agiw ang katulad;

ang bilin ko lamang, tandaan mo, liyag,

kalihiman natin huwag ipahahayag.

 

Paalam sa iyo, masarap magmahal,

may-ari ng puso ko’t kabiyak na

            katawan;

paalam na nga yaring pinalalayaw,

paalam, giliw ko, sa iyo’y paalam.

 

Masayang sa iyo’y aking isasangla

ang sulam pamahid sa mata ng luha,

kung kapusin ng palad, buhay mawala,

bangkay man ako, haharap sa iyong kusa.

(Gregoria de Jesus, 1897)


*Isang tulang naglalarawan ng walang-maliw na pag-ibig... mula sa isang lubusang nagmahal

Gregoria de Jesus (15 May 187515 March 1943), also known as Aling Oriang, was the founder and vice-president of the women's chapter of the Katipunan of the Philippines. She was also the custodian of the documents and seal of the Katipunan.She married Andrés Bonifacio, the supremo of the Katipunan, and played a major role in the Philippine Revolution. She is regarded as "The Mother of the Philippine Revolution" by Filipinos. She has one son from Andrés Bonifacio and five children from Julio Nakpil.


© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help