ian's posts with tag: balbon

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag balbon
Blog EntryTo shave or not to shave... (Ahitin na 'yan!)Mar 13, '08 11:03 PM
for everyone
Again, magkaminsan ay nakakasawa na ang mag-ahit... una hindi naman talaga nagiging makinis ang salat/hipo (smooth touch) ang balat matapos gawin ito. Hindi ko naman talaga ninais na tubuan ng mga balahibo sa iba't ibang parte ng aking katawan ng ganitong kabilis. Nag-aahit ako tuwing makalawa. napansin kong mabilis tumubo ang aking mga balbas, bigote at iba pang mga balahibo sa pisngi at ilalim ng baba at panga. nakakainis dahil minsan palagay ko ay mukha akong takas na bilanggo. Isa pa ay ayokong mas maisakatuparan at mapatotohanan ng aking ama na kami talaga ang magkamukha at hindi kaming mag-ina (lols).

" Shaving is the removal of body hair (depilation), using a sharp blade known as a razor or with any other kind of bladed implement, to slice it down to the level of the skin. Shaving is most commonly used by men to remove their facial hair and women to remove their leg and underarm hair. A man is called clean-shaven if he has had his beard totally removed.[1]

Both men and women sometimes shave their facial hair, undercheek hair, chest hair, abdominal hair, leg hair, underarm hair, pubic hair or any other bodily hair.[2] Head shaving is much more common among men. It is often associated with religious practice, the armed forces and some competitive sports such as swimming and extreme sports. It has become common for men with partial baldness. Head shaving has also been used to humiliate, punish and show submission to an authority.[3]

In most societies there is a social stigma around the presence of perceptible beard growth on a woman and strong pressure to remove it." (wikipedia)

Mabalahibo rin ang aking binti, hita tiyan at paakyat na ito sa parteng dibdib at paligid ng areola... nakakainis minsan dahil hindi magandang tingnan lalo na pag nakaharap ka sa salamin.Kadalasan pa ay nararapat na magtrim ng unwanted hairs para magmukhang malinis. Napansin ko ding humahaba na ang mga cilia sa aking ilong na tuwirang pinuna ni randel (lols). Inaahit ko rin ang kilay na tumutubo sa gitna ng aking mga pangunahing kilang upang maiwasang magkadikit silang dalawa. Nahihiwagaan lang ako kung bakit sa dami ng buhok sa katawan ko ay mapapansing hindi balbon ang aking mga bisig at braso...  marahil ay ang kadahilanan nito ay ang genes ng aking lolo sa tuhod na isang purong bumbay... hays. Ayun, nakakainis lang lalo na pag di sinasadyang nagkakasugat ka dahil sa pag-aahit.

*Natry ko na ang iba't ibang pang-ahit at shaving cream at lotion ngunit hindi ko parin makuha ang nais kong makinis na pakiramdam. Kahit na ipaahit ko sa isang barbero ang aking mga balbas at bigote gamit ang matalim na labaha ay ganoon parin ang resulta haaay... ewan ko ba.



© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help